Ang dilim ng kahapon
Ay iyo nang itinapon.
Mga sakit at pighati
Iyo na ring isinantabi.
ramdam ko ang yakap mo
Pati na pagmamahal mo.
Sa bawat oras at minuto
Alam kong ika'y kasama ko.
Ang mga kamay kong taglay
Sa iyo lamang iaalay,
Ang tinig ko sinasambit
Sa iyo lamang iaawit.
Ang pagsagip sa tulad ko,
Ang pagpawi ng luha ko,
Hindi ko man dapat matamo
Pero ito'y ipinaranas mo.
Maraming salamat AMA,
Sa lahat ng iyong biyaya.
Walang sawang pagmamahal
Ang sa iyo'y ibibigay.
Buhay ko ma'y hindi sapat
Pagsisilbihan paring tapat.
Iisang Diyos ng buhay ko,
Ikaw lang Panginoon ko.

No comments:
Post a Comment