Sunday, April 8, 2012

Magiting kong Ina




Una kong nasilayan
Ang iyong kagandahan
Sa mundong ginalawan
Nanirahan sa iyong kanlungan.

Hindi matatawaran
Ang iyong kahusayan
Ang pagaarugang binigay
Ramdam ko talagang tunay.

Ang haplos at yakap mo
Sa aking bising , sa aking braso
Nagbibigay ng init
Sa gabing kay lamig.

Ikaw ang syang nangunguna
Sa pagpawi ng aking luha
Ikaw ang syang nasasaktan
Bago ko pa ito maramdaman.

Sa aking pagtanda
Ikaw ang aking tinitingala
Modelo sa aking paningin
Isang babaeng puno ng giting.

Ngayong nilisan mo
Ang mundong mayroon tayo
Hindi ko malilimutan
Aral na iyong binitiwan.

Sa puso ko’y ibabaon ko
Sa isip ko ay itatago
Pagmamahalang mayroon tayo
Mahal kong ina, Giliw ko.

April 8, 2012-jvdelasalas-

1 comment: