Sunday, April 8, 2012

Tuwing ikaw ay naaalala


Ang mga patak ng luha
Dumampi sa aking mukha
Iginuhit ang 'yong alaala
Ibinabalot sa aking pangungulila.

Ako ay nagiisa
Ikaw ay di ko makasama
Sa bawat sandali
Ikaw ang nais makatabi.

Kung dati ay natatanaw
Mga kilos mo't galaw
Ngayon tila nahihirapan
Anino mo ay masilayan.

Sa pagdating ng liwayway
Makapiling kay nais na tunay.
Makasama kay tila panaginip
Na ayoko ng tanggalin sa aking isip.

April 8, 2012-jvdelasalas-

No comments:

Post a Comment